^

PM Sports

NBA news: LeBron, Bosh ipinahinga ng Heat vs Wizards

Pang-masa

WASHINGTON  -- Piniling ipahinga para sa playoffs kaysa habulin ang pagsikwat sa top seed, hindi pinaglaro ni Miami Heat coach Erik Spoelstra sina LeBron James and Chris Bosh sa kanilang laban sa Washington Wizards.

“Just where we are right now, he’s dealing with some minor ailments,’’ wika ni Spoelstra kay James. “Nothing that’s significant enough that will keep him out. Same thing with Chris. We made this decision and everyone else is ready to go. Everything is day by day.’’

Palagiang iniuupo ni James ang kanyang huling laro sa regular season sapul nang lumipat sa Heat.

Hindi siya naglaro sa huling laban ng Miami noong 2011 at maging noong 2012 at 2013.

Nakipag-agawan ang Heat sa Indiana Pacers para sa No. 1 seed sa Eastern Conference noong una ngunit mas nakalapit ang Pacers nang manalo sa Oklahoma City Thunder noong Linggo.

Inaasahang bubuksan ng Heat ang kanilang first-round playoff series sa Mia-mi ngayong linggo.

‘’No matter who’s playing, all we can do is focus on us,’’ wika ni Spoelstra.

Hindi naman nakasama sa Heat si Greg Oden sa Washington dahil sa stomach virus.

 

Belinelli bagong pambato ng San Antonio

Sa listahan ng mga magiging free agents, ang pa-ngalan ni Marco Belinelli ay hindi pinapansin.

Anim na taon siyang papalit-palit ng koponan at minsan nang nai-trade kay Devean George at maging kay lottery pick Julian Wright.

Kaya nang pumirma siya ng two-year deal sa San Antonio Spurs noong Hulyo ay walang pumansin dito.

Ngunit mas alam ni Bulls coach Tom Thibodeau ang kakaya-han ni Belinelli sa kanyang isang season na pag-lalaro para sa Chicago at alam din niyang mas mapapakinabangan siya ng San Antonio.

“We hated to lose him,’’ sabi ni Thibodeau.

Nagposte si Belinelli ng mga career highs sa shooting percentage, 3-point percentage, rebounds at assists.

Idinagdag ni Belinelli ang kanyang pangalan sa mga role players na sumikat kasabay sa pakikipaglaro kina Tim Duncan, Tony Parker at Manu Ginobili.

“He’s been more than we expected because it usually takes someone a while to figure out the system and feel comfortable and he’s done it very quickly,’’ sabi ni Spurs coach Gregg Popovich. “So he’s been a pleasant surprise in that respect.’’

 

 

Bogut out na sa season dahil may fracture sa ribs

OAKLAND, Calif. – Nakaranas ng kamalasan ang Golden State Warriors para sa kanilang playoff run nang mapatunayang nagkaroon si starting center Andrew Bogut ng isang fractured rib at hindi na makakalaro.

Sinabi ni Bogut na ang fractured rib ay malapit sa kanyang kanang baga at magkakaroon ng tiyak na panganib kung maglalaro siya nang may nararamdamang sakit.

Nauna na niyang nakuha ang naturang injury sa kanilang laro kontra sa Denver Nuggets noong Huwebes at lumubha ito sa kanilang overtime loss sa Portland Trail Blazers.

Gumamit siya ng pain killer bago ang kanilang laban sa Trail Blazers, ngunit mas lalong sumakit sa fourth quarter.

“I’m going to dedicate the summer to learning how to play while avoiding contact at all costs, I guess – moving out of the way, not taking charges and not trying to block shots,” sabi ni Bogut.

Nagtala si Bogut ng mga averages na 7.3 points, 10 rebounds at 1.8 blocks ngayong season.

ANDREW BOGUT

BELINELLI

BOGUT

DENVER NUGGETS

DEVEAN GEORGE

EASTERN CONFERENCE

ERIK SPOELSTRA

GOLDEN STATE WARRIORS

SAN ANTONIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with