^

PM Sports

Handa na sa playoffs ang Indiana

Pang-masa

INDIANAPOLIS - Bumalik na sa dating porma ang Pacers.

Naipasok ang ka-nilang mga tira, dumepensa sa kabuuan ng 48 minuto, nagbalik ang pagiging astig ni Lance Stephenson at tila ang Pacers ay naging handa para sa plyoffs.

Tumipa si David West ng tatlong free throws sa huling 15 segundo at itinala naman ni Stephenson ang kanyang league-leading na pang-limang triple-double para igiya ang Indiana sa 102-97 panalo kontra sa Oklahoma City.

Tumapos si West na may 21 points, habang nagposte si Stephenson ng 17 points, 11 assists at 10 rebounds.

Binasag ni Stephenson ang franchise record ni Detlef Schrempf sa pagkakaroon ng pinakamaraming triple doubles sa isang season (apat noong 1992-93).

Ang panalo ang nag-lapit muli sa Pacers sa pag-angkin sa No. 1 seed sa Eastern Conference.

Kailangan na lamang nilang manalo sa Orlando Magic sa Miyerkules at ipagdasal ang kabiguan ng Miami Heat.

Magtutungo ang Heat sa Washington para laba-nan ang Wizards kasunod ang pagsagupa sa Philadelphia 76ers sa Miyerkules.

Inangkin ng Indiana (55-26) ang top spot sa East sa pagbubukas ng liga noong Oktubre hanggang noong Marso.

Nang talunin ng Pacers ang Heat noong Marso 26 at naglista sila ng three-game lead at tila mapapasakamay na ang home-court advantage.

Sa kamalasan ng Pacers ay bumalik sa laban ang Heat kung saan nila naagaw ang top spot noong Marso 31.

Lumamang ang Mia-mi ng one-half game matapos talunin ang Indiana at nakatabla ang Pacers sa top spot nang mabigo sa Atlanta noong Biyernes.

 

vuukle comment

DAVID WEST

DETLEF SCHREMPF

EASTERN CONFERENCE

LANCE STEPHENSON

MARSO

MIAMI HEAT

MIYERKULES

OKLAHOMA CITY

ORLANDO MAGIC

STEPHENSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with