^

PM Sports

Style ni Bradley ‘di umubra kay Pacquiao

Pang-masa

LOS ANGELES - Kung naging matagum-pay si Juan Manuel Marquez sa kanyang estratehiya sa kanilang pang-apat na paghaharap ni Manny Pacquiao noong Disyembre ng 2012, hindi naman ito nagaya ni Ti-mothy Bradley, Jr.

Sinabi ni Pacquiao na pilit ginaya ni Bradley ang naturang taktika ni Marquez sa kanilang rematch noong Linggo sa MGM Grand sa Las Vegas.

“Ginagaya niya si Marquez. Nag-aabang at sumusuntok ng no-look,” sabi ni Pacquiao.

Kumonekta si Marquez ng isang mabigat na right hand na nagpatumba kay Pacquiao sa sixth round noong Disyembre 8, 2012.

“Ginagaya niya si Marquez para sa one-punch. Akala niya si Marquez siya,” wika ni Pacquiao sa gitna ng isang six-hour bus ride mula sa Las Vegas patungo dito sa City of Angels.

Sumakay si Pacquiao sa bus ng alas-4 ng hapon isang araw matapos ang kanyang laban at nakauwi sa tahanan niya sa Larchmont Park ng halos alas-10 ng gabi.

Nakipag-usap siya sa mga Filipino scribes na nagkober sa kanyang laban at sinabing masaya siya sa kanyang ipinakita sa harap ng 15,601 fans na walang tigil sa pagsigaw ng  kanyang pangalan.

Hinirang ang 35-an-yos na si Pacquiao bilang bagong WBO welterweight champion matapos angkinin ang unanimous decision win kay Bradley.

“Maganda. Maganda,” ani Pacquiao.

Tiyak na nakakuha ang eight-division world champion ng kopya ng punch stats at natuwa siya kung gaano karami ang suntok na ibinato niya sa loob ng 12-round fight nila ni Bradley.

“Ang dami naming pinakawalan,” sabi niya. “Pero tumatakbo,” dagdag pa ni Pacquiao na nagpaulan ng kabuuang 563 suntok at nakakonekta ng 198 kumpara sa 141 -of-627 stats ni Bradley.

Ilang beses na napuruhan ni Pacquiao si Bradley at hinabol ang American para sa hangad niyang knockout ngunit palaging tumatakbo si Bradley at iniwasan ang mga suntok ni Pacquiao.

“Ang hirap na tamaan eh. Sobra na ang baba. Kailangan bumaba din ako. Pero grabe din ang palitan,” wika ni Pacquiao sa palagiang pagyuko ni Bradley.

Sa dulo ng laban ay nagbanggaan ang ulo nina Pacquiao at Bradley kung saan naputukan ng kilay ang Filipino fighter.

Ang sugat ni Pacquiao ay tinahi ng isang plastic surgeon mula sa Las Vegas sa loob ng dressing room na halos tumagal ng isang oras.

Kabuuang 32 tahi ang kinailangan para maisara ang nasabing sugat ni Pacquiao.

“Kita nga yung buto. Pero kasama yan. No pain, no gain,” sabi ni Pacquiao, nakatanggap siya ng tawag mula sa kanyang asawang si Jinkee.

Inaasahan ng mag-asawang Pacquiao ang kanilang pang-limang anak, ang ikatlong la-laking anak sa kanilang pamilya, bago matapos ang buwan. Nagdesisyon silang pangalanan ang bata bilang Israel.

BRADLEY

CITY OF ANGELS

DISYEMBRE

GINAGAYA

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with