Pacquiao-Mayweather fight matunog na naman
MANILA, Philippines - Muling nabuhay ang usapan tungkol sa inaabangang paghaharap nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. matapos ang kumbinsidong panalo ng Pambansang Kamao kay Timothy Bradley Jr. kahapon sa MGM Grand sa Las Vegas Nevada.
“I think Manny Pacquiao and Floyd Mayweather should fight each other as the last fight for both of them,†tweet ng dating undisputed heavyweight champion na si Lennox Lewis.
Sinubaybayan ni Le-wis ang kabuuan ng laban at bagama’t hanga siya sa tapang ni Bradley ay tunay na iba ang kalidad nito sa Pambansang Kamao.
“Bradley is a warrior. Just not in Manny’s league,†dagdag nito.
Wala namang inuurungan si Pacquiao sa kung sino ang isunod na itapat sa kanya pero ipinagkakatiwala na lamang niya ito sa kanyang promoter.
“I’m so happy to be a world champion again. I can fight two more years,†wika nito.
Handa niyang harapin si Mayweather pero duda siya kung mangyayari ito.
“It is very difficult to speak Floyd Mayweather,†ani Pacquiao.
Matatandaan na lahat ng gusto ni Mayweather ay sinang-ayunan na ni Pacman para matuloy lamang ang laban pero sa di malamang kadahilanan ay nagbago ang isip nito at naghanap ng iba pang rason huwag lamang maselyuhan ang laban.
Kahit si Bob Arum ng Top Rank ay suko na kung ang pakikipagnegosasyon sa kampo ni Mayweather ang pag-uusapan.
Sa halip ay mas pinagtutuunan na lamang ni Arum ang ibang katunggali tulad ni Juan Manuel Marquez na nakahirit ng sixth round knockout panalo kay Pacquiao sa ikalawang laban nito noong 2012.
Si Marquez ay makiki-pagtuos kay Mike Alvarado sa Mayo 17 at ang mananalo ay posibleng makalaban si Pacquiao.
“It all depends if he pass his test against Alvarado in Los Angeles. If they want to make a fight with Marquez, that’s fine.†banggit pa ni Pacquiao.
- Latest