Paghihiganti ni Manny nabawi ang WBO title kay Bradley
LAS VEGAS - Ipinakita ni Manny Pacquiao na may natitira pang alab sa kanyang puso matapos gantihan si Timothy Bradley gamit ang kanyang superior boxing skills patungo sa isang unanimous decision para mabawi ang kanyang korona.
Ngunit para sa eight-division world titlist, ang paghihiganti ang mas gusto niyang makamit para sa kanyang kontro-bersyal na kabiguan noong 2012 kay Bradley.
“This is an important win for me. I proved that my journey in boxing will continue,†sabi ni Pacquiao, nabawi ang kanyang WBO welterweight title sa harap ng 15,601 crowd na madaming Pinoy sa MGM Grand.
Ipinakita ni Pacquiao kung sino ang mas ma-galing na boksingero sa kanila ni Bradley.
Tumanggap si Pacquiao ng ilang suntok kay Bradley, subalit sa dulo ng kanilang laban ay pawang paghahabol ang ginawa ng Filipino champion.
Sa edad na 35-anyos ay pinatunayan ni Pacquiao ang kanyang pagiging isang magaling na kampeon.
“I’m so happy to be a world champion again,†sabi ni Pacquiao sa ibabaw ng ring sa gitna ng pagdiriwang ng mga fans sa panalo ng Filipino champion, may guaranteed $20 milyon para sa rematch.
Ipinagdiwang ni Pacquiao ang kanyang tagumpay nang ihayag ang desisyon.
Lumuhod siya at nagdasal sa kanyang corner, samantalang tinanggap naman ni Bradley ang kanyang kabiguan.
Sina judges Michael Pernick at Craig Metcalf ay nagbigay kay Pacquiao ng parehong 116-112, habang si Glenn Trowbridge ay nag-iskor ng 118-110. Ngayon ay walang kontrobersya, walang kuwestiyon kumpara nang manalo si Bradley na pinaniniwalaan ng karamihan na natalo siya.
- Latest