^

PM Sports

Bulls lumapit sa No. 3 sa Eastern Conference

Pang-masa

MINNEAPOLIS -- Pabulusok na ang career ni guard D.J. Augustin nang pakawalan siya ng Toronto Rap­tors noong Disyembre at tila mawawala na ang da­ting No. 9 overall pick sa NBA.

Apat na araw na ang nakakalipas nang kunin siya ng Chicago Bulls.

Kuminang si Augustin sa Chicago dahil sa hin­di pa rin paglalaro ni superstar guard Derrick Rose at ang pagkaka-trade kay Luol Deng.

Umiskor si Augustin ng 21 points para pangunahan ang Bulls sa 102-87 panalo kontra sa Minnesota Tim­berwolves.

Nagdagdag si center Joakim Noah ng 15 points, 13 rebounds at 10 assists para sa kanyang ikaapat na triple-double.

Nagtala si Kirk Hinrich ng 16 points mula sa kanyang 7-of-9 fieldgoal shooting at nagsalpak ang Bulls ng 11-of-21 clip sa 3-point range para makadikit sa Raptors sa pag-uunahan sa third seed sa Eastern Con­fe­rence.

Sa Milwaukee, umiskor si Chris Copeland ng season-high na 18 points at isinalpak ang isang driving layup sa huling 1.2 segundo para ibigay sa Pacers ang 104-102 panalo kontra sa Milwaukee Bucks at makalapit sa No. 1 spot sa Eastern Conference.

CHICAGO BULLS

CHRIS COPELAND

DERRICK ROSE

EASTERN CON

EASTERN CONFERENCE

JOAKIM NOAH

KIRK HINRICH

LUOL DENG

MILWAUKEE BUCKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with