Milo Sports Clinics ngayong summer
MANILA, Philippines - Sa kanilang pangakong makadiskubre ng mga kampeon, muling bubuksan ng Milo Summer Sports Clinics ang kanilang programa para sa school children.
Ang programa ay mag-aalok ng kapaki-pakinabang na mga kurso sa halos 30,000 estudyante na gagawin sa 700 venues sa buong bansa.
Mula Abril hanggang Mayo ay ilalatag ng Milo Summer Sports Clinics ang mga programa para sa mga kabataang nasa bakasyon sa pamamagitan ng palakasan.
Ang mga sports na iaalok ng Milo ay ang badminton, basketball, bowling, gymnastics, volleyball, karatedo, ice skating, tennis, taekwondo, table tennis, chess, football at swimming.
“What set Milo’s sports development programs apart from other avenues for active play are the scientific methods used to guide our youth to hone their abilities. Milo’s approach to education has paved the way for budding champions to emerge while sharing the exciting experience with their peers,†sabi ni Milo Sports Executive Andrew Neri.
Ang Summer Sports Clinics na sponsored programs ng Milo ay nakapagdiskubre na sa maraming atleta na gumawa ng ingay sa kanilang mga sports.
Ang ilan sa mga ito ay ang mga BEST Center graduates at UAAP phenoms na sina Kiefer at Thirdy Ravena, Southeast Asian Games medalist Japoy Li-zardo at PBA star Chris Tiu.
- Latest