Nalagpasan na ni Durant si Jordan
PHOENIX -- Nagposte si Kevin Durant ng Oklahoma City ng hindi bababa sa 25 points sa pang-41 sunod na pagkakataon.
At maski si Michael Jordan ay hindi ito nagawa.
Subalit kung maaari lamang itong ipagpalit ni Durant ay gagawin niya para lamang sa isang panalo.
Tumipa si P.J. Tucker, dinepensahan si Durant ng 11 sa kanyang career-high na 22 points sa fourth quarter para tulungan ang Phoenix Suns sa 122-115 paggupo sa Thunder.
Napalakas ng Suns ang kanilang tsansa para sa isang playoff berth at pinaluwag ang paghawak ng Thunder sa No. 2 spot sa Western Conference.
Naglista si Goran Dragic ng 26 points, habang may 24 si Gerald Green at 18 si Eric Bledsoe para sa tagumpay ng Phoenix.
Sa 92-112 kabiguan ng Memphis sa San Antonio ay lumamang ng isang laro ang Suns kontra sa Grizzlies para sa No. 8 spot sa West at isa’t kalahating laro ang agwat sa No. 7 na Dallas Mavericks.
Umiskor naman si Russell Westbrook ng 33 para sa Thunder, lamang pa rin sa Los Angeles Clippers ng isang laro para sa No. 2 playoff spot.
Sa Portland, Oregon, kumamada si LaMarcus Aldridge ng 25 points at 18 rebounds at sinikwat ng Trail Blazers ang una nilang playoff seat sa nakaraang tatlong seasons mula sa 100-94 panalo kontra sa New Orleans Pelicans.
Nag-ambag si Wesley Matthews ng 21 points kasunod ang 20 ni Damian Lillard at 16 ni Nicolas Batum para sa Portland (50-28).
Ang Blazers ay nasa panglimang puwesto sa Western Conference.
Tumipa si reserve Anthony Morrow ng 17 markers para sa New Orleans kasunod ang 15 ni Anthony Davis.
- Latest