Sa PCSO Special Maiden Race Lumabas ang galing ng Definitely Great
MANILA, Philippines - Lumabas ang itinatagong lakas ng Definitely Great para kunin ang PCSO
Special Maiden Race na siyaÂng tampok na karera noong Sabado sa MetroTurf sa
Malvar, Batangas.
Hindi lumahok ang My Song upang maiwan na lamang ang limang iba pang kabayo na nagtagisan. Sa hanay na ito, tatlo ang naglabanan at bukod sa DefiniteÂly Great ay kondisyon din ang Think Again at Cat’s Regal.
Nauna pang bumandera ang Think Again sa pagdadala ni JB Guce habang sumunod ang Cat’s Regal ni JPA Guce at nasa ikatlong puwesto ang Definitely Great ni KB Abobo.
Dahil sa 1,200-metro ang pinagÂlabaÂnang distansya ng karera, pinilit ng tatlong kabayo na hindi magkahiwa-hiwalay at ang puwestong ito ay nanatili hanggang umabot sa far turn.
Nagsalitan na ng pagdadala sa trangko ang Think Again at Definitely Great
ngunit pagpasok sa rekta ay bumuka ang kabayo ni Abobo para makalayo ng
kaunti ang dala ni Guce.
Pero Âginamitan ni Abobo ng latigo ang kanyang kabayo upang mag-init ito at
bumulusok sa meta.
Naubos ang Think Again dahilan para maagwatan pa ng kalahating dipa ng
Cat’s Regal habang ang Misty Blue ni Jonathan Hernandez ang pumang-apat at
nangulelat ang Morning Time ni CV Garganta.
Suportado ang karerang ito ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO)
at sinahugan ng P1 milyon premyo na pinaghatian ng tatlong nangunang
kabayo. Ang Definitely Great ang kumabig ng P600,000.00 na unang gantimpala at ang
breeder ng kabayo ay kumulekta ng P50,000.00 premyo.
May naiuwing P225,000.00 ang Cat’s Regal habang ang Think Again ay naghatid pa
ng P125,000.00 sa kanyang connections.
Nagbunga rin ang paglahok ng Born To Be Rich nang kunin ang 3YO and Above
Maiden race na inilagay sa 1,000-metro distansya.
Angat agad ang lakas ng Born To Be Rich nang hawakan ang liderato sa
pagbubukas ng aparato.
Sinikap ng ibang kasali na habulin ang kabayo ni RC Baldonido pero walang
kapaguran na tumakbo ito para manalo ng halos limang dipa sa Bull Star
Rising.
Ang panalo ay nagkahalaga ng P10,000.00 gantimpala na ipinagkaloob ng
Philippine Racing Commission (Philracom) sa nanalong kabayo lamang. (AT)
- Latest