3-0 tangka ng Cebuana, Big Chill
MANILA, Philippines - Ikatlong sunod na panalo ang nakataya sa nagpapasikat na Cebuana Lhuillier at Big Chill sa pagbangga sa magkahiwalay na katunggali sa PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.
Katapat ng Gems ang Cagayan Valley Rising Suns sa ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon at nais ng bataan ni coach David Zamar ang maipagpatuloy ang magandang pagtutulungan na nasisilayan sa koponan.
Ang Rising Suns ay hindi pa nananalo matapos ang dalawang laro kaya’t kailangang tapatan din ng Gems ang ipakikitang intensidad ng makakatunggaling koponan.
“Inaasahan kong motivated ang Cagayan sa larong ito and I hope we could match their energy and intensity,†wika ni Zamar.
Magkukrus ang landas ng Big Chill Superchar-gers at nagdedepensang kampeong Blackwater sa ikatlong laro dakong alas-4 ng hapon at rematch ito ng semifinals na nangyari sa Aspirants’ Cup.
Nanalo ang Superchargers sa Elite sa nasabing tagisan upang umabante ang koponan sa Finals.
Bukod sa paghihiganti, kailangan din ng tropa ni coach Leo Isaac ang manalo para wakasan ang dalawang dikit na kabiguan na bumulaga sa kampanya para maidepensa ang hawak na titulo.
Magbabalik na sa Elite ang sentro na si Reil Cervantes na nasuspindi ng isang laro matapos sapukin si Ola Adeogun ng NLEX sa 84-102 pagkatalo.
Magbabakasakali din ang Jumbo Plastic Giants sa kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsukat sa kahusayan ng Derulo Accelero sa unang laro sa ganap na ika-12 ng tanghali.
Galing ang Giants mula sa 76-68 panalo sa Blackwater Sports kaya’t mataas ang morale ng mga manlalaro ng koponan upang panatilihing walang panalo ang Oilers matapos ang tatlong asignatura. (AT)
- Latest