AMVCC titiyakin ang tagumpay
MANILA, Philippines - Magiging matagumÂpay ang pagdaraos ng Asian Men’s Volleyball Club Championship.
Ito ang tiniyak ng mga organizers ng torneo na naÂkatakda sa Abril 8-16.
Nakikipagtulungan ang mga local government units, ang Philippine NaÂtional Police (PNP) at ang PLDT Home Fibr sa nag-oorganisang Philippine Volleyball Federation at Sportscore sa mga aktibidad na nakalatag paÂra sa mga foreign at local officials at partisipante sa torneong itinataguyod ng Mikasa, Gerflor-Spurway, Senoh Equipment, HealthÂway Medical Services at Maynilad.
Isang welcome dinner ang inihanda ng PLDT para sa mga athletes at officials bukas sa poolside ng City Club sa Alphaland Makati Place.
Sina Makati Mayor JunÂjun Binay at Pasay CiÂty Mayor Antonino CaÂlixto ang makakasama niÂÂna Philippine Sports ComÂmission chairman (PSC) RiÂcardo Garcia, AMCC Organizing CommitÂtee head Philip Ella Juico, Philippine Superliga president Ramon ‘Tat’s Suzara at PVF chief Karl Chan.
- Latest