Garcia panauhin sa PLDT Home Fibr-AMCC
MANILA, Philippines - Si Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Ricardo ‘Ritchie’ Garcia ang magiging guest of honor at main speaker sa pagbubukas ng PLDT Home Fibr Asian Men’s Club Volleyball Championship s sa Abril 8 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City
Magkakasabay na mapapanood ang mga aksyon ng 16 koponan na hinati sa apat na grupo sa Cuneta Astrodome sa torneong matatapos sa Abril 16.
Masayang tinanggap ni Garcia ang bagong pamunuan ng Philippine Volleyball Federation (PVF) matapos ang halos isang dekadang pananahimik.
Isang taon matapos isagawa ang reorganization, pamamahalaan ngayon ng PVF ang AMCC.
Ang PVF ay pinamumunuan ni president Karl Chan katuwang si secretary general Otie Camangian.
Ang torneo ay itinataguyod ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC at nina Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino.
Ang mga tiket ay mabibili online sa http://www.smtickets.com/ at sa lahat ng SM ticket outlets.
Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ng koponan ang bansa sa AMCC.
Ang PLDT HOME TVolution team, kiilalanin bilang Power Pinoys, ay binubuo nina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakran Abdilla at actor-sportsman Richard Gomez katuwang sina Australian players Cedric Legrand at William Robert Lewis.
Nakatakdang ibunyag ni national Coach Francis Vicente ang iba pang miyembro ng koponan.
Ang Philippine team ay nasa Group A kasama ang Iraq at Mongolia, habang nasa Group B ang Iran, Japan, Lebanon at Vietnam. Magkakasama sa Group C ang 2013 runners-up, Qatar at Kazakhstan, Oman, Hong Kong at Turkmenistan at nasa Group D ang China, Uni-ted Arab Emirates, Papua New Guinea at Chinese Taipei.
- Latest