^

PM Sports

Phl Davis Cuppers haharap sa Pakistan

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sisimulan ng Philippine Davis Cuppers ang paghakbang para sa patuloy na dominasyon sa Pakistan sa pagbubukas ngayon ng Asia-Oceania Zone Group II semifinals sa PCA Indoor clay courts sa Paco, Manila.

Si Patrick John Tierro ang siyang nabigyan ng pagkakataon na igiya ang Pilipinas sa mahalagang 1-0 kalamangan sa best-of-five series sa pagharap sa beteranong si Aqeel Khan sa unang singles sa ganap na ika-10 ng umaga.

Sunod na sasalang ang Fil-Am na si Ruben Gonzales laban sa bagitong si Samir Iftikhar.

Ang doubles ay gagawin bukas sa ganap na ika-1 ng hapon at nominado ng host country sina Fil-Am Treat Huey at Johnny Arcilla laban kina Khan at ang mahusay na si Aisam Qureshi.

Ang reversed singles ay sa Linggo itinakda at tapatan ito nina Gonzales-Khan at Tierro-Iftikhar.

Ang mata ay tiyak na nakatuon sa 27-anyos na si Tierro na magtatangka ring itabla ang head-to-head nila ng 34-anyos na Pakistani netter.

Unang nagharap ang dalawa ay noong 2009 sa PCA courts at minalas si Tierro na natalo sa straight sets, 1-6, 6-7(7).

Malaki ang paniniwala sa kakayahan ni Tierro matapos ang magandang ipinakita sa Olivarez Cup na kung saan ang wildcard entry ng bansa ay umabot hanggang sa semifinals.

Ang init ng palaruan bukod sa suporta ng manonood ang siya ring numero-unong aasahan ng home team para maigupo ang Pakistan.

vuukle comment

AISAM QURESHI

AQEEL KHAN

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

FIL-AM TREAT HUEY

JOHNNY ARCILLA

OLIVAREZ CUP

PHILIPPINE DAVIS CUPPERS

RUBEN GONZALES

SAMIR IFTIKHAR

TIERRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with