18-sunod sa Spurs; Heat angat na
INDIANAPOLIS – Umiskor si Tony Parker ng 22 points para sa San Antonio Spurs na nagtala ng club-record na 18th straight victory sa pamamagitan ng 103-77 panalo kontra sa bumubulusok na Indiana Pacers nitong Lunes.
Nagdagdag si Boris Diaw ng 14 points para sa Spurs na hinigitan ang kanilang dating longest winning streak na naitala noong Feb. 19 hanggang March 31, 1996.
Umiskor si Paul George ng 16 points para sa Pa-cers na natalo ng anim sa huling pitong laro kaya nag-laho na ang kanilang dating three-game lead kontra sa Miami para sa top seeding ng Eastern Conference.
Hindi na puwedeng matalo ang Spurs (58-16), habang ang Indiana (52-23) na may best record sa Eastern Conference sapul noong opening night ay tinapos ang March na may 8-9 record lamang.
Sa Miami, umiskor si LeBron James ng 32-points at nagdagdag si Chris Bosh ng 18 nang sumulong ang Miami sa pangunguna sa Eastern Conference sa pamamagitan ng 93-83 panalo kontra sa Toronto.
Umiskor si Chris Andersen ng 13 points mula sa kanyang 5-for-5 shooting at nagdagdag si Mario Chalmers ng 12 para sa Miami na hindi uli nakaasa kina Dwyane Wade, Greg Oden at Ray Allen.
Nalamangan na ng Miami (51-22, .699) sa percentage points ang Indiana (52-23, .693) na natalo sa sariling balwarte nitong Lunes kontra sa San Antonio.
- Latest