Zamar handa pa ring maglingkod sa UE
MANILA, Philippines - Hindi ipagkakait ni David Zamar ang kanyang serbisyo kung kakaila-nganin pa rin sa hinaharap ng University of the East.
Sinibak si Zamar bilang head coach ng Red Warriors at tinuran ng pamunuan ang kawalan niya ng kakayahan na ibigay ang lubusang panahon na siyang mabigat na dahilan para gawin ang nasabing desisyon.
Hindi naman nagtanim ng sama ng loob si Zamar dahil lubusan niyang tinatanaw na mala-king utang na loob ang pagkakataon na ibinigay sa kanya na makapag-laro, makapag-aral at makapag-coach sa nasabing paaralan.
“I will always be grateful and thankful to UE. Aside from being a player and a coach, I also got my degress in business administration major in management with UE in 1989,†wika ni Zamar.
“I will always be a Warrior in my life. Yes, willing ako na ibigay ang serbisyo ko uli sa hinaharap kung kakailanganin nila uli,†ani Zamar na coach din ng Cebuana Lhuillier sa PBA D-League at assistant coach sa San Miguel Beer sa PBA.
Nagsimula na ang paghahanap para sa makakapalit ni Zamar pero isang mataas na opisyal na hindi nagpakilala ang nagsabing ang mga ikokonsidera sa puwesto ay pawang mga taga-UE lamang.
Lalabas na hindi makakasama sa pinagpipilian ang mahusay na coach na si Louie Alas na nabanggit bilang isa sa mga sinisipat para sa coaching job.
Kasama sa talaan ng pinagpipilian ay ang mga dating Warriors guards na sina George Ella at Luis Palaganas.
Ang UE ang host ng Season 77 sa UAAP at nais nilang maging palaban sa men’s basketball.
- Latest