Maghahanap ng solusyon ang PSC
MANILA, Philippines - Hahanapan ng solus-yon ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng National Sports Associations (NSAs) ang matagal nang problema sa liquidation sa perang itinulong ng Komisyon.
Si PSC chairman Ricardo Garcia ang siyang mangunguna sa PSC sa pakikipagpulong sa mga NSAs na may ganitong problema upang maayos ito at hindi maapektuhan ang paghahanda ng Pilipinas sa Asian Games sa Incheon, Korea sa Set-yembre at sa 2015 SEA Games sa Singapore.
Ang pagpupulong ay gagawin bukas (Miyerkules) ng umaga at nananalig si Garcia na mahahanapan na ito ng lunas para makapagpalabas ng tulong pinansyal ang ahensya.
Pinagbawalan ng Commission on Audit ang PSC na ipagpatuloy ang pagsuporta sa mga NSAs na may unliquidated accounts at binalaan si Garcia na siya ang mananagot nito kung ipagpapatuloy ang pagtulong.
“Hindi ko maintindihan kung bakit hirap ang mga NSAs na mag-liquidate ng pera mula sa PSC dahil re-sibo lamang ng pinaggastusan ang kanilang kailangan para malinis ito,†wika ni Garcia.
Ang perang inilabas lamang sa panahon ng Garcia administration ang siyang ipinali-liquidate ng PSC at ito ay nagkakahalaga pa ng P32,153,033.25.
Ang halaga na ito ay pinagsamang pera na ibi-nigay sa 34 NSA mula Mayo 23, 2005 hanggang Marso 26, 2014.
Ang may pinakama-laking unliquidated account ay ang judo na nasa P4,022,748.47.
- Latest