Rain Or Shine suwerte sa bagong import
MANILA, Philippines - Halos isang linggo nang nasa bansa si import Wayne Chism at pamilyar na siya sa laro sa Philippine Basketball Association (PBA) matapos makasama ng Barako Bull sa pre-season.
Kaya naman hindi na nahirapan si Rain or Shine head coach Yeng Guiao na ituro ang kanilang sistema sa 6-foot-8 na si Chism.
“He’s been here less than a week. He still has a lot of guts to show,†ani Guiao kay Chism na pumalit kay Alex McLean. “We took the risk of flying him in and making the painful decision of replacing Alex and its paying off.â€
Pinalakas ng Elasto Painters ang kanilang pag-asa sa quarterfinal round matapos gibain ang Globalport Batang Pier, 99-75 sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.
Nakamit ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo kasabay ng pagpapatikim sa Globalport ng pang-pitong dikit na kabiguan.
Tumapos si Chism na may 17 points sa ilalim ng 21 markers ni guard Paul Lee, nagtala ng 5-of-6 shooting sa three-point range, para sa Elasto Painters.
Ang panalo ng Rain or Shine sa dalawa sa kanilang huling tatlong laro ang pormal na magpapasok sa kanila sa quarterfinals.
Ipinoste ng Rain or Shine ang isang 19-point lead, 86-67, sa huling 6:24 ng final canto mula sa fastbreak basket ni Larry Rodriguez.
Nagdagdag ng 13 markers si rookie center Raymond Almazan habang pina-ngunahan naman ni balik-import Evan Brock ang Batang Pier sa kanyang 25 points.
Kasalukuyan pang naglalaban ang Talk ‘N Text at San Mig Coffee habang isinusulat ito kung saan target ng Tropang Texters ang No. 1 berth na may kadikit na ‘twice-to-beat’ incentive sa quarterfinals.
- Latest