^

PM Sports

Perps, Blazing Animo nagpasikat sa Singapore cheerdance competition

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagpamalas ang Perpetual Help at College of St. Benilde ng impresibong performance upang mag-uwi ng apat na gold medals at isang silver sa Asian Invitational Cheerleading Championships sa Singapore nitong weekend.

Nanguna ang NCAA cheerdance champions na Perps sa Coed Premier, Coed Elite at Group Stunts category at naka-silver sa Partner Stunts para maging best performing school sa annual event na kinilala ng International Cheer Union, ang world governing body ng sport.

Kumopo naman ang Blazing Animo ng gold sa All-Girls’ Elite category para sa impresibong performance ng mga Pinoy sa torneong nilahukan ng top-notch teams mula sa 10-bansa.

Ipinagmalaki ni Itos Valdez ng National Cheerleading Championship, ang natatanging national sports association para sa cheerleading sa bansa, ang naturang panalo ng Perpetual at St. Benilde.

Samantala, nakatutok naman ang bansa para sa paglahok sa ICU Worlds sa ESPN Sports Complex sa Walt Disney sa Orlando, Florida sa huling linggo ng Abril.

Ito ang unang pagkakataon na sasali ang Phl team sa event na ikinukunsidera bilang Olympics ng cheerleading dahil higit sa 100 bansa ang inaasahang lalahok dito.

Nagsumite naman ang NCAA ng formal bid para pamahalaan ang 1st Asian Universities and Schools Championships sa Nobyembre.

 

ASIAN INVITATIONAL CHEERLEADING CHAMPIONSHIPS

ASIAN UNIVERSITIES AND SCHOOLS CHAMPIONSHIPS

BLAZING ANIMO

COED ELITE

COED PREMIER

COLLEGE OF ST. BENILDE

GROUP STUNTS

INTERNATIONAL CHEER UNION

ITOS VALDEZ

NATIONAL CHEERLEADING CHAMPIONSHIP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with