Hagdang Bato paborito sa Philracom Commissioner’s Cup
MANILA, Philippines - Kapana-panabik na tagisan sa hanay ng mga tiniÂngalang kabayo ang magaganap sa paglarga ngayon ng 2014 Philracom Commissioner’s Cup sa San LazaÂro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Mangunguna sa pitong kabayong kasali ang back-to-back Horse of the Year awardee na Hagdang Bato na makikipagtambalang muli sa hineteng si Jonathan Hernandez.
Tiyak naman na hindi magiging madali ang hanap na tagumpay ng limang taong kabayo dahil sa pagsaÂli ng Tensile Strength ni Dominador Borbe, Pugad LaÂwin ni Pat Dilema at Spinning Ridge ni JPA Guce.
Kasali rin ang Be Humble ni Kevin Abobo at LeoÂnor ni Fernando Raquel Jr. na tiyak na gagawin din ang lahat para manalo sa karerang paglalabanan sa 1,800-metro distansya.
Inspirasyon ng mga kalahok ang P720,000.00 unang gantimpala mula sa P1.2 milyong premyo na isinaÂhog ng Philippine Racing Commission (Philracom) na inialay ang karera kay dating commissioner James Erving L. Paman.
Ang winning breeder ay may P50,000.00 din, haÂbang ang papangalawa hanggang papang-apat sa datingan ay may paÂbuyang P270,000.00, P150Â,Â000.00 at P60,Â000.00, ayon sa pagkakaÂsuÂnod.
Mauuna rito ay ang labanan ng pitong kabayo sa Philracom-OTBSAPI Charity/Benefit race.
Ang mga kasali ay ang Appendectomy (FM RaÂquel Jr.), Wow Pogi (JB Guerra), Yona (JB GuÂce), Quick Hunter (P DiÂlema) at coupled entry Limitless (JB Hernandez), Director’s Diva at TobÂruk.
Ang magiging beneficiary ng karerang naglaan ng P180,000.00 para laÂmang sa mananalong kaÂbayo, ay ang Marie Liana Torres Lazo Foundation, Inc.
- Latest