Bagong Guinness record
MANILA, Philippines - Nagtala ng bagong Guinness record ang mga Pinoy nang walang hintong naglaro ang mga partisipante sa 2014 Philippine Basketball Marathon mula alas-9 ng umaga noong Lunes hanggang alas-9 rin ng umaga kahapon sa Meralco Gym.
Naglista ang Phl cage marathoners ng halos 120 oras ng non-stop basketball na nagbasura sa dating world record na 112 oras at 13 segundo ng Missouri Athletic Club na inilista sa St. Louis, Missouri noong Marso 21 hanggang 25, 2012.
Ipinasok ang mga pangalan sa Guinness World Records sina Larry Macapanpan, Owen Mabaga, Robbie Dell Macatbag, John Ray Mappala, Sandy Cenal, Abraham Compuesto III, Evan Lazana, Carlo Ferdinand Vasquez, Helino Francisco Jr., Kerr Bangeles, Harold Lomtong, Luis Jay Volante, Santos Tominio, Justo Quita Jr., Hazel Foja, Robert Clark Bear, Paul Michael dela Pena, Adin Rome Santos, Renell Montecillo, Jopet Quiro, lady baller Maricar Convencido at American participants Tony Tatar, Chuck Williams at Jeffrey Moore.
Tinalo ng Team Bounce Back ang Team Walang Iwanan, 16,783-16,732.
- Latest