^

PM Sports

Kalimutan na ang nakaraan --Arum

Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang taon na ang nakakalipas nang manalo si Timothy Bradley, Jr. kay Manny Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision.

Sa isang conference call kahapon, sinabi ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na hindi na ito mababago at kailangan na itong kalimutan nina Pacquiao at Bradley.

“That decision was two years ago, and you’re not going to change the decision,” wika ni Arum. “You just go on with your life, and you do the best that you can in a fight that’s going to take place on April 12. So would you be exorcised any more by a decision that happened years ago. It was what it was.”

Marami ang nagsabing malinaw na si Pacquiao ang nanalo sa naturang laban, habang naniniwala naman si Bradley na ginawa niya ang lahat para makuha ang magkatulad na 115-113 paborableng desisyon nina judges C.J. Ross at Duane Ford.

Si judge Jerry Roth ay nagbigay ng iskor na 115-113 para kay Pacquiao.

Sinabi ni Arum na marami na ang nangyari matapos ang naturang kontrobersya.

“You move on. I think that we all feel that way. Whatever it was, it was. Duane Ford is no longer judging. C.J. retired in disgrace after another crazy decision, and hopefully, the Nevada Commission will appoint judges from all over the world for this fight that will give a fair result if the fight doesn’t end in a knockout,” ani Arum.

Umaasa si Arum na may isang babagsak kina Pacquiao at Bradley sa kanilang rematch sa Abril 12 para hindi na maibigay sa mga uupong judges ang desisyon ng laban. (RC)

 

BOB ARUM

BRADLEY

DUANE FORD

JERRY ROTH

NEVADA COMMISSION

PACQUIAO

TIMOTHY BRADLEY

TOP RANK PROMOTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with