Peñalosa hindi papayag sa Fareñas-Velazquez rematch
MANILA, Philippines - Sinabi ni promoter Gerry Peñalosa na hindi siya papayag sa rematch sa pagitan nina WBC Asian Boxing Council Continental super fea-therweight champion Michael Fareñas at Hector Velazquez kahit na iginiit ng Mexican na hindi ga-ling sa suntok ang putok sa kanan niyang mata na nagresulta sa kanyang technical knockout loss.
Nakiusap ang 39-an-yos na si Velazquez para sa isang return fight at nagmakaawa kay New Zealand referee Bruce McTavish at sinabing handa siyang muling labanan si Farenas kahit saan.
Ngunit hindi dininig ang kanyang mga pakiusap.
Binayaran ni Peñalosa si Velazquez ng $8,000 para umuwi sa Mexico at hindi nagustuhan ang naging resulta ng laban.
Sa weigh-in isang araw bago ang kanilang laban ay nagbawas si Velazquez ng five pounds sa loob ng dalawang oras sa Lancaster Hotel para makamit ang weight limit.
Si Velazquez, kasama si fighter Alem Robles at dalawang trainers ay dumating sa bansa noong nakaraang linggo at tumuloy sa Lancaster Hotel kung saan ibinunyag ng mga waiters na naging ugali na ni Velazquez na umubos ng ice cream at turon.
Kaya naman hindi kataka-takang bumigat si Velazquez at sumobra sa 130-pound limit.
Naghirap naman si Velazquez para makuha ang weight limit at naki-pagsabayan kay Fareñas sa San Juan Arena noong Biyernes.
Halos walang aksyon sa first round bago nag-init si Fareñas at inatake si Velazquez na nagdalawang-sip na harapin ang Filpino fighter.
Sa second round ay lalo pang naging mabangis si Fareñas kung saan napaatras niya si Velazquez sa lubid.
Sinasabing sinadya ni Velazquez na makipag-untugan kay Fareñas na nagresulta sa malaking putok sa itaas ng kanyang kanang mata malapit sa nose bridge.
- Latest