Tagumpay si Kidd sa pagbabalik niya sa Dallas
DALLAS -- Naghintay ang Brooklyn Nets na makabalik sa locker room bago nila buhusan ng ice water si coach Jason Kidd matapos ang matagumpay niyang pagbabalik sa Dallas.
Umiskor si Joe Johnson ng 22 points, kasama dito ang layup na nagtabla sa iskor sa regulation at ang go-ahead 3-pointer sa overtime, para ihatid ang Nets sa 107-104 panalo laban sa Mavericks para sa unang laro ni Kidd bilang isang coach sa siyudad na pinagsimulan ng kanyang NBA career noong 1994.
Winalis ng Nets ang kanilang two-game season series sa Dallas sa kanilang unang season sa ilalim ni Kidd, nagdiwang ng kanyang pang-41 kaarawan.
Humugot si Marcus Thornton ng 11 sa kanyang 20 points sa fourth quarter para sa Nets, naipanalo ang kanilang huling apat na laro at tumalo sa isang Western Conference team sa pang-limang pagkakataon.
Pinamunuan ni Monta Ellis ang Dallas sa kanyang 32 points, ngunit tunapos lamang si Dirk Nowitzki na may 10 markers.
Isinalpak ni Nowitzki ang una niyang tira sa overtime matapos ang 1-of-10 shooting sa regulation, ngunit hindi na nakaiskor muli ang Mavericks.
Tumapos si Nowitzki na may 2-of-12 fieldgoal shooting para sa Mavericks.
Matapos ang isang layup na nagtabla ng laro sa huling 9 segundo sa regulation, inilayo ni Johnson ang Nets sa 96-93 sa pagsisimula ng overtime mula sa kanyang 3-pointer kasunod ang kanyang dalawang free throws bilang sagot sa jumper ni Nowitzki.
Nagdagdag sina Deron Williams at Paul Pierce ng tig-15 points para sa Nets.
Angat ang Mavericks, lumamang ng 14 points matapos ang first quarter at sa gitna ng third quarter, ng apat sa huling 44 segundo sa regulation nang magsalpak si Pierce ng dalawang free throws.
- Latest