^

PM Sports

Jumbo, Boracay masusubukan sa D-League

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipaparada ng mga koponang Jumbo Plastic at Bo­racay Rum ang bagong puwersa sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaro ng Waves ang Cagayan Valley sa ikala­wang laro sa alas-12 ng tanghali, habang ang Giants ay masusukat ng Cebuana Lhuilier sa huling laro sa alas-2 ng hapon.

Ang Café France at Derulo Accelero ang mag­bubukas ng tabing sa ika­lawa at huling confe­rence ng liga sa 2013-14 season sa alas-10 ng umaga.

Galing ang Giants sa makasaysayang pagta­tapos sa Aspirants’ Cup nang umabot sa quar­ter­finals tangan ang ‘twice-to-beat‘ advantage.

Ngunit minalas sila at natalo ng dalawang beses ng Blackwater Sports.

Mas matatag ang line-up ng Giants ngayon dahil nasa koponan na ang be­teranong guard Jerick Canada bukod pa kina Jo­pher Custodio, Jeff Vier­nes at Lee Denice Villa­mor at Michael Parala.

Ang Waves ay kinuha ang guard na sina Robin Rono at big man Prince Caperal upang palakasin ang koponan sa nasabing puwesto.

“We got some changes in our lineup that I believe have made us better,” ani Waves coach Lawrence Chongson.

vuukle comment

ANG CAF

ANG WAVES

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DERULO ACCELERO

JEFF VIER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with