Pacquiao at Bradley nagkasagutan sa kanilang pagkikita sa HBO premiere
MANILA, Philippines - Nagkaharap sina Filipino boxing icon Manny Pacquiao at world welterÂweight titlist Timothy Bradley, Jr. sa 15-minute HBO premiere ng Face Off ni Max Kellerman.
Sa nasabing okasyon ay tinitigan ni Bradley si Pacquiao at sinabing wala na ang ‘apoy’ sa mga mata ng Filipino world eight-diÂvision champion.
Ngunit tinitigan din ng Sarangani Congressman ang American fighter.
“I pray that God can give me that fire,†sagot ng 35-anyos na si Pacquiao sa 30-anyos na si Bradley. “Another fire. I will pray for that.â€
Ngunit hindi nakunÂtenÂto si Bradley sa sagot sa kanya ni Pacquiao.
“Do you think that it’s gone?†tanong ni Bradley. “Do you think that it’s still there?â€
Sumagot naman sa kanÂya si Pacquiao.
“I believe that…AbsoÂlutely. I can do that, in God’s grace. Nothing is imÂpossible with God,†saÂbi ni Pacquiao.
Nakatakdang magÂhaÂrap sina Pacquiao at Bradley sa isang rematch sa AbÂril 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Hangad ni Pacquiao (55-5-2, 38 KOs) na maÂbawi ang World Boxing Organziation (WBO) welÂterweight crown kay Bradley (31-0-0, 12 KOs).
Tinalo ni Bradley si Pacquiao mula sa kontroÂbersyal na split decision para agawin kay ‘Pacman’ ang dating suot niyang WBO belt noong Hunyo 9, 2012 sa MGM Grand.
Marami ang tumuligsa sa naturang panalo ni BradÂley.
Kaya naman walang ibang hangad si Bradley kunÂdi ang mapabagsak si PacÂquiao sa kanilang rematch para patunayan ang kanyang panalo noong 2012.
“This is like redemption. It’s unfinished business,†sabi ni Bradley. “This is like that dark cloud that’s still looming over boxing. Like, confused about who won the fight and who didn’t win the fight.â€
- Latest