Unang stakes win puntirya ngayon ng Arriba Amor
MANILA, Philippines - Pagtatangkaan ng Arriba Amor na makamit ang unang stakes win sa taÂon sa pagtakbo sa Manila Horsepower-PhilraÂcom Cup ngayong hapon sa San LaÂÂzaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang Sampaguita Stakes race champion noÂong naÂÂkaraang taon na Arriba Amor ay sasakyan muli ni FerÂnando Raquel Jr. para kay horse owner Hermie Esguerra at pakay ng tambalan ang manalo sa ikalawang stakes race na sinalihan.
Nauna nang kumarera ang nasabing kabayo sa PCSO Freedom Cup at hindi tumimbang ang ArÂriba Amor sa tagisang diÂnomina ng Hari Ng YamÂbo.
Anim na kabayo ang magtatagisan sa karerang inilagay bilang race four at ang iba pang local horÂses na kalahok ay ang Yes Yes Yes ni Pat Dilema at Hot And Spicy ni Mark AlÂvarez laban sa mga imÂporÂted horses na Dy San Diego ni KB Abobo, Kitten’s Champ ni JB Guce at Princess Haya ni RM Ubaldo.
Ang nasabing karera ang siyang tampok na takÂbo para sa paggunita ng ika-pitong taon ng pagÂkaÂkatatag sa Manila Horsepower Inc. at sinahugan ng P300,000.00 kabuuang premyo.
Ang gantimpalang P180,000.00 ang maiuuwi ng maÂnanalong kabayo, haÂbang P67,500.00, P37,Â500.00 at P15,000.00 ang mapupunta sa tatlong susunod na kaÂbayo.
Ang iba pang karera maÂliban sa race two ay mga MHP races at sinahuÂgan ito ng added prize na P10,000.00 na ibibigay sa mananalong kabayo laÂÂmang, habang ang race two ay isang Philracom RuÂby Anniversary Stakes Race.
- Latest