^

PM Sports

New York nagwagi sa unang araw ni Phil

Pang-masa

NEW YORK - Kumamada si Carmelo Anthony ng 34 points at binuksan ng New York Knicks ang Phil Jackson era sa pamamagitan ng 92-86 panalo laban sa Indiana Pacers para sa kanilang season-high na pang-pitong sunod na panalo.

Sa panonood ng kanilang bagong team president na si Jackson sa midcourt seat, dinomina ng Knicks ang first half hanggang makalayo sa Eastern Conference leader na Pacers sa second half.

“With a guy like that around it creates a winning mentality, it creates an atmosphere that’s pretty golden and we’ve got to capitalize on that,” sabi ni Knicks forward Amare’ Stoudemire.

Ang unang anim na panalo ng New York ay laban sa mga non-playoff teams, ngunit ang panalo ay kontra sa koponang paboritong makapasok sa finals.

Nagdagdag si Stoudemire ng 21 points at kumalawit si Tyson Chandler ng 14 rebounds para sa Knicks.

Nakipagkita si Jackson sa mga coaches at players at pinanood ang laro sa itaas ng center court.

Tumanggap si Jackson ng standing ovation mula sa mga fans sa first quarter at ipinagdiwang ang panalo ng Knicks kontra sa Pacers na sumibak sa kanila sa playoffs noong nakaraang taon.

Umiskor si Lance Stephenson ng 21 points at nagtala ng 9 rebounds para sa Indiana, nahinto ang sinasakyang four-game winning streak. Nagdagdag naman si Roy Hibbert ng 20 markers mula sa kanyang 8-of-10 shooting.

 

CARMELO ANTHONY

EASTERN CONFERENCE

INDIANA PACERS

LANCE STEPHENSON

NAGDAGDAG

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

PHIL JACKSON

ROY HIBBERT

STOUDEMIRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with