Palaban ang Phl volley teams na bubuuin ni coach Vicente
MANILA, Philippines - Kumpiyansa si National coach Francis Vicente na makakabuo siya ng kompetitibong koponan mula sa training pool habang papalapit na ang 2014 Asian Men’s Club Volleyball Championship na handog ng PLDT HOME Fibr.
Host ang Philippines sa unang pagkakataon at gagawin ito sa April 8-16 sa MOA Arena at Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ito rin ang unang pagkakataon na bubuo ng National squads sa kababaihan at kalalakihan ang Philippine Volleyball Federation (PVF) na muling nabuhay kamakailan.
Ang PHL men’s team, na kikilalanin bilang PLDT Home TVolution Power Pinoys, ay kinabibilangan nina actor-sportsman Richard Gomez na gumawa ng kasaysayan sa kanyang pagkakabilang sa ikaapat niyang National team, kasama sina JP Torres, Ronjay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakaran Abdilla, Jason Ramos at Rodolfo Labrador.
Palalakasin naman nina Australian players Cedric Legrand at William Robert Lewis ang Philippine team. Ang lahat ng 18 teams ay may tigalawang fo-reign players.
Sinabi ni Vicente na bukod sa national pool, plano rin niyang kumuha ng players mula sa UAAP tulad nina Peter Torres ng National University, UAAP rookie MVP Mark Espejo, Rex Intal ng Ateneo, Jay dela Cruz at Edmar Castro ng Perpetual Help.
Ang women’s team na mamanduhan ni coach Sammy Acaylar ay kabibilangan nina Angeli Tabaquero at Michelle Datuin at palalakasin ng da-ting Cuban Star na si Regla Bell.
- Latest