^

PM Sports

Valdez palaban sa UAAP Female Athlete of the Year

Pang-masa

MANILA, Philippines - Pangungunahan nina Ateneo volleyball star Alyssa Valdez at La Salle Women National Master Jan Jodilyn Fronda ang mga kandidato para sa Female Athlete of the Year (AoY) na ihahayag ngayon sa  UAAP Season 76 closing ceremonies sa Century Park Hotel Grand Ballroom.

Ang karangalan ay ibinibigay sa atletang kuminang sa local at international competitions.

Sina Valdez, nanguna sa Lady Eagles sa pagkopo ng kanilang unang women’s volleyball crown at Fronda,  three-time MVP sa chess, ay nag-lalaban sa female AoY kasama ang iba pang achievers sa overseas competitions kabilang si taekwondo jin Nicole Cham ng UST at basketball player Camille Sambile ng Far Eastern University.

Ang 20-gulang na si Valdez ay na-ging kandidato hindi lamang dahil sa kanyang kontribusyon sa tagumpay ng Ateneo volleybelles kundi pati na rin dahil sa kanyang paglalaro para sa Phl team sa Asian Southeastern Zone Wo-men’s Volleyball qualifiers sa Quang Tri, Vietnam noong July.

Kung saka-sakali ang tubong San Juan, Batangas na si Valdez ang magi-ging unang AoY sa seniors at juniors divisions, dahil nanalo na siya ng AoY sa high school  bilang spiker ng University of Santo Tomas noong 2008-09.

Naging palaban naman si Fronda sa award nang magtapos bilang pang-28th sa 77 participants sa 2013 World Junior Chess Championship sa Kocaeli, Turkey noong November.

Kumopo si Cham ng bronze sa 4th Asian University Taekwondo Cham-pionship sa Cheongyang, Korea habang si Sambile ay naglaro para sa Perlas Pilipinas squad na naka-silver sa  Southeast Asian Games sa Myanmar.

Ang AoY sa male division ay inaasa-hang mahigpit na paglalabanan nina La Salle swimmer Johan Aguilar, University of the East fencer Michael Nicanor at FEU booter Paolo Bugas. Si Aguilar, two-time MVP na isa ring consistent dean’s lister, ay kasama sa Phl team na sumabak sa FINA World Cup habang si Nicanor ay lumaban sa Asian Junior Championships sa Jordan habang si Bugas  ay lumaro para sa Azkals.

Bukod sa top male at female athletes, igagawad din sa La  Salle ang UAAP general championship sa seniors division sa ikalawang sunod na pagkakataon.

Ang UE naman ang tatanggap ng overall title para sa juniors division.

Ipapasa naman ni UAAP Season 76 President Fr. Maximino Rendon, C.M. ng Adamson University ang UAAP flag kay Season 77 President Carmelita Mateo  ng UE bilang host ng 2013-14 season.

vuukle comment

ADAMSON UNIVERSITY

ALYSSA VALDEZ

ASIAN JUNIOR CHAMPIONSHIPS

ASIAN SOUTHEASTERN ZONE WO

ASIAN UNIVERSITY TAEKWONDO CHAM

ATENEO

CAMILLE SAMBILE

CENTURY PARK HOTEL GRAND BALLROOM

FAR EASTERN UNIVERSITY

FEMALE ATHLETE OF THE YEAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with