P. Dilema nangunguna
MANILA, Philippines - Kumabig pa ng 12 panalo si Patricio Dilema para manatiling nangu-nguna sa hanay ng mga hinete sa kitaan matapos ang buwan ng Pebrero.
Nakita si Dilema sa 46 na takbo sa nakaraang buwan at nagkaroon na ito ng kabuuang 32 panalo bukod pa sa 25 segundo, 18 tersero at 9 kuwatro puwesto.
May 127 takbo sa kabuuan, si Dilema ay nagkamit na ng P674,070.05 premyo upang manatili ang lamang kay Jessie Guce.
Pumalo na sa 167 takbo ang sinakyan ni Guce at mayroon itong 23 panalo, 35 segundo, 23 tersero at 17 kuwatro puwestong pagtatapos para sa P626,765.50 premyo.
Umangat mula sa ikalimang puwesto tungo sa pangatlong puwesto si Fernando Raquel Jr. habang ang dating umookupa sa nasabing puwesto na si Mark Alvarez ay bumaba ng isang hakbang.
Si Raquel ay mayroong P569,638.69 prem-yo matapos ang 100 takbo sa 31-15-15-11 karta habang si Alvarez ay may P542,344.88 sa 132 takbo (25-17-10-17).
Nalagay si JB Cordova ikalimang puwesto mula sa pang-apat na puwesto noong Enero sa P492,052.83 panalo sa 127 sakay (26-14-16-8).
Tumaas ng isang puwesto si Jonathan Hernandez tungo sa pang-anim sa P444,028.16 gantimpala sa 90 sakay (19-18-18-10) habang sina Dominador Borbe Jr., Norberto Caliingasan, JL Paano at JPA Guce ang kukumpleto sa unang sampung puwesto.
Nakapagbulsa na si Borbe ng P356,402.70 sa 77 takbo (16-11-9-7), si Calingasan ay mayroong P352,472.35 sa 91 takbo (18-9-11-15), si Paano ay kumabig ng P321,405.41 sa 101 takbo (13-16-10-11) habang si Guce ay may P316,412.87 premyo sa 72 karera (10-8-18-9).
Ang apprentice jockey na sina JD Juco at CS Pare Jr. ay nakapasok sa unang 15 puwesto at si Juco ay nasa ika-12 sa P276,306.96 premyo matapos ang 88 takbo habang si Pare na dumiskarte sa 94 takbo ay nakapag-uwi na ng P263,727.36 gantimpala.
- Latest