Road Warriors handa na para sa D-League
MANILA, Philippines - Handang harapin ng NLEX ang mga mabibi-gat na hamon na dadapo sa koponan sa isasaga-wang PBA D-League Foundation Cup.
Nakikita ni Road Warriors coach Boyet Fernandez na mapapalaban ang koponan na nais na bawiin ang naisukong titulo sa Blackwater Sports noong 2013 dahil ang mga manlalaro na kasapi ng San Beda ay mawawala sa kasagsagan ng kompetisyon.
“The San Beda players will continue playing with NLEX as part of our preparations for the NCAA season. But we will be leaving for the yearly out of the country training of San Beda which is being sche-duled,†pahayag ni Fernandez na siya ring coach ng Lions sa pinakamatandang collegiate league sa bansa.
Pero tiniyak ng bete-ranong coach na gagawin nila ang lahat ng magagawang remedyo para makapagpasok ng matikas na koponan dahil dibdiban ang kanilang hangarin na magkampeon sa nasabing conference na magbubukas sa Marso 23 sa The Arena sa San Juan City.
Nagdomina ang NLEX sa Aspirants Cup pero hindi umano makukumpleto ang saya ng koponan at ng management kung hindi makukuha ang Foundation Cup title.
Matatandaan na natalo ang Road Warriors sa Elite sa pamamagitan ng 2-0 sweep.
“Losing the Foundation Cup last year is still our motivation for this conference. We will do our very best to be competitive this conference,†sabi pa ni Fernandez.
Sakaling mawala ang mga Bedans sa pa-ngunguna ni 6’8†Ola Adeogun, malakas pa rin ang Road Warriors dahil sa mga beteranong sina Garvo Lanete, Matt Ganuelas, Jake Pascual at Kevin Alas na gagamitin ang conference para maipakita ang angking galing bilang paghahanda sa planong pagsali sa PBA Annual Draft.
- Latest