^

PM Sports

Blu Girls gustong pagsanayin ng ASAPhil sa United States

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipapadala ng Amateur Softball Association of the Philippines (ASAPhil) ang women’s softball team sa US upang magsanay bilang pinal na preparasyon sa 2014 Asian Games sa Incheon, Korea na nakatakda sa Setyembre 19 hanggang Oktubre 4.

Naipasa ng ASAPhil ang kanilang request para ma­suportahan ang biyahe sa Task Force Asian Games na pinamamahalaan ni Chief of Mission at PSC chairman Ricardo Garcia.

Ang pinag-uusapan na lamang ay kung ilang buwan mamamalagi ang koponan sa US.

Nais ng ASAPhil na tatlong buwang hasain ang ko­ponang hawak ni coach Ana Santiago sa Internatio­nal Softball Federation (ISF) headquarters sa Plant City, Florida, pero ang kakayanin lamang budget ng PSC ay mga dalawang buwan.

Naglaan ang Komisyon ng P50 milyon para sa pagsasanay ng mga manlalarong isasama sa dele­gas­yon sa Incheon, Korea at ang women’s softball ay na­katiyak na ng puwesto matapos ang pang-apat na pag­tatapos sa Asian Women’s Softball Championship sa Chinese-Taipei noong nakaraang taon.

“It’s about time that we give them the chance to learn the scientific way and know the latest techniques because the Asian and World level events are entirely different from the South East Asian tournaments,” wika ni ASAPhil secretary-general Danny Francisco.

Ang Pilipinas ay dating tinitingala sa women’s soft­ball at noong 1970 ay tumapos sa ikatlong puwes­to kasunod ng host Japan at US sa Osaka World Softball Championship.

Pero tumaas ang lebel ng mga kalaban lalo na sa Asian countries at naiwan ang Blu Girls.

Ang fourth place na pagtatapos sa Asian Cham­pionship ang pinakamataas nila sa huling mga edis­yon ng kompetisyon kaya’t itinutulak ng ASAPhil ang intensibong pagsasanay sa US.

vuukle comment

AMATEUR SOFTBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

ANA SANTIAGO

ANG PILIPINAS

ASIAN

ASIAN AND WORLD

ASIAN CHAM

ASIAN GAMES

ASIAN WOMEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with