Knockout ang kailangan ni Manny - Diaz
MANILA, Philippines - Kakailanganin ni Manny Pacquiao ng isang knockout kung gusto niyang talunin si Timothy Bradley sa kanilang rematch sa Abril 12.
Kung hindi ito mangyayari ay posibleng matalong muli ang Filipino icon, ayon sa pahayag ni Joel Diaz, ang chief trainer ni Bradley.
“We know it will be a tough fight, but this time [we’re looking to win things clearly]. Pacquiao’s only chance is if he knocks Bradley out, but that won’t be easy,†wika ni Diaz sa boxingscene.com.
Sa kanilang unang paghaharap ay tila dinomina ni Pacquiao ang laban, ngunit sa huli ay nanalo si Bradley via split decision na gumulat sa mga boxing observers.
Nangako ang fighting congressman na hindi na siya magiging mabait kay Bradley sa kanilang rematch.
Ayon naman kay Diaz, kailangang patotohanan ni Pacquiao ang kanyang sinabi at kung hindi ay muli siyang matatalo kay Bradley.
“What I am sure of is that if [Pacquiao] does not [knock Bradley out], then Bradley is going to hurt him,†sabi ng cornerman.
Tungkol sa kasalukuyang timbang ni Bradley, sinabi ni Diaz na mas komportable ngayon sa kanyang bigat si Bradley kumpara sa una nitong pagharap kay Pacquiao.
“Bradley is looking very sharp. The big difference is that now Bradley walks around at 155 pounds and that has allowed us to focus on the fight and the strategy,†ani Diaz.
- Latest