^

PM Sports

Manila bay seasports festival Army, Coast Guard, Air Force umarangkada

Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinanghal na three-time winner sa dragon boat race ng Manila Bay Seasports Festival ang Philippine Army nang kanilang talunin ang Philippine Air Force sa 300-meter men’s open. 

Bumawi ang Air Force nang kanilang makopo  ang titulo sa Mixed Open at nagtagumpay naman ang Philippine Coast Guard sa women’s small boat division.

Nakamit naman ng mga batikang bangkero mula sa Boracay at Pangasinan ang pangunahing puwesto sa bancathon. 

Humarurot ng husto si Ryan Isiderio lulan ang ‘Matador’ upang mapanalunan uli ang Formula Race, samantalang buong husay ang arangkada ni Alwin Estacio bilang pilot ng ‘Patricia’ upang magwagi sa Stock Race.

Dumalo si Liz Villasenor, na siyang bagong Director ng Tourism & Cultural Affairs Office ng Lungsod ng Maynila, bilang kinatawan ni Mayor Joseph Estrada. 

Ang  2014 Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila, sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard, Cobra Energy Drink, Caltex, Eveready, Ginebra San Miguel, Pioneer Epo-xy, Filinvest, Silka, M. Lhuillier, Columbia International Foods, Manila Ocean Park at Briggs and Stratton.

 

 

vuukle comment

AIR FORCE

ALWIN ESTACIO

BRIGGS AND STRATTON

COLUMBIA INTERNATIONAL FOODS

CULTURAL AFFAIRS OFFICE

FORMULA RACE

GINEBRA SAN MIGUEL

LIZ VILLASENOR

MANILA BAY SEASPORTS FESTIVAL

PHILIPPINE COAST GUARD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with