^

PM Sports

PLDT HOME Fibr Asian Men’s Club Volleyball Championship: Phl men’s volley team ipinakilala

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi minamadali ni National coach Francis Vicente ang pagbuo sa koponang ilalaban sa PLDT HOME Fibr Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Abril.

“We are really scrutinizing the players because we want to form a very competitive team,” wika ni Vicente sa pulong pambalitaan sa NBA Cafe sa SM Aura sa Taguig City kahapon.

Ang kaganapan ay para ipakilala ang mga manlalaro na siyang magdadala ng laban ng Pilipinas sa torneong sasalihan ng 17 iba pang bansa mula Abril 8 hanggang 16.

Mga dating collegiate players na sina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malabanan, Alnakran Abdilla Jason Ramos at Rodolfo Labrador ang ipinakilala kasama ang sportsman/actor Richard Gomez.

Ang mga imports na kinuha ay sina Cedric Legrand at William Robert Lewis.

“Malaking challenge ito para sa akin dahil hindi na ako isang 22 anyos. I took the chance sa tryouts at nabitbit ako. I am not the best player pero kahit pang-12 player ako masaya ako at nasama sa National team,” pahayag ni Gomez.

May 14 players ang kasapi ng isang koponan at lima pang locals ang pangangalanan bago ang Marso 23 na kung saan lilipad ang Nationals sa Seoul, Korea para sa dalawang linggong pagsasanay.

Hinati ang mga bansang kasali sa apat na grupo at ang Pilipinas ay nasa Group A kasama ang Iraq, Kuwait at Mongolia.

Ang Mall of Asia Arena ang napili para pag-laruan ng mga teams sa Group A at B habang ang mga nasa Group C at D ay gagawin sa Cuneta Astrodome.

 

vuukle comment

ABRIL

ALNAKRAN ABDILLA JASON RAMOS

ANG MALL OF ASIA ARENA

CEDRIC LEGRAND

CLUB VOLLEYBALL CHAMPIONSHIP

CUNETA ASTRODOME

FIBR ASIAN MEN

FRANCIS VICENTE

GROUP A

GROUP C

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with