Marami pang puwedeng kunin si Reyes-- Barrios
MANILA, Philippines - Positibo pa rin ang nakikita ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa pag-atras ng dalawang manlalaro na pinili ni National coach Chot Reyes para idagdag sana sa pool ng Gilas Pilipinas.
Ayon kay SBP executive director Sonny Barrios, may iba pang manlalaro ang puwedeng sipatin ni Reyes at ma-laki ang posibilidad na tatanggapin nila ang alok na mapabilang sa pool.
“Mababahala siguro ako personally kung maraming ganun. Palagay ko hindi naman nakararami ang ganun (ang paniniwala). So far dalawa pa lang ang nag-withdraw so tingnan natin,†wika ni Barrios.
Sina Greg Slaughter ng Barangay Ginebra at Marcio Lassiter ng San Miguel Beer ay umayaw sa pagsali sa Gilas pool dahil nababahala sila sa posibilidad na matanggal ang mga manla-larong naghirap para makalaro ang Pilipinas sa FIBA World Cup sa Spain.
Wala namang opisyal na pahayag ang SBP sa desisyon ng dalawang manlalaro dahil ayon kay Barrios, karapatan ito ng manlalaro na pumayag o tumanggi sa imbitasyon.
Naunang nagnombra ng 17 manlalaro si Reyes para masama sa pool na magsasanay para sa FIBA World sa Spain at sa Asian Games sa Incheon, Korea.
Ang iba pang ipinasok ni Reyes ay sina Paul Lee at Jared Dillinger bukod kay Beau Belga na huling natanggal sa Gilas team na nag-runner-up sa 2013 FIBA Asia Men’s Cham-pionship na ginawa sa Mall Of Asia Arena.
Palalakasin ang laban ng Pilipinas sa dalawang kompetisyon ng natura-lized player na si Marcus Douthit at ang posi-bleng ma-naturalized pa na si NBA cager Andray Blatche.
Nakapasa na sa House of Representative noong Lunes ang House Bill 4084 para sa Filipino citizenship ni Blatche.
Ayon kay Deputy Speaker Robbie Puno, ang may akda ng House bill, walang hindi bumoto sa bill pero kailangan pa itong pumasa sa Senado bago pirmahan ni Pangulong Aquino. (AT)
- Latest