^

PM Sports

Dagmil nagsalita na ukol sa akusasyon laban kay Sy

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Tumibay ang akusasyon ni PSC Commissioner Jolly Gomez na nagpapabaya ang mga PATAFA National coaches na sina Joseph Sy at Rosalinda Hamero nang lumabas si Henry Dagmil at patotohanan ito.

Iniharap kahapon ni Gomez si Dagmil na isa sa anim na atletang nanalo ng ginto sa Myanmar SEA Games sa larangan ng long jump.

Inihayag niya na totoo ang sinabi ni Gomez na hindi nagagampanan nina Sy at Hamero ang kanilang mga trabaho dahil siya mismo ay hindi nabibigyan ng matinong programa bilang isang long jumper.

“Noong nagsisimula ako ay nakatulong si coach Joseph sa akin. Pero noong nakapasok ako sa National team noong 2000 ay hindi na niya ako napapansin. Wala siyang iniiwan na programa at on my own talaga ako at nakikisabay sa training ng ibang atleta,” wika ng 32-anyos na long jumper mula Tampikan, South Cotabato.

Coach ni Dagmil si Sy sa Mapua at siya rin ang kumuha sa kanya para mapasok sa National team.

Pero nagkalamat ang samahan ng dalawa noong nakaraang taon nang hindi siya isinama sa mga manlala-rong puwedeng manalo ng gintong medalya sa Myanmar.

“Paano niya malalaman ang kakayahan ko eh hindi naman niya ako nakikitang magsanay,” banat nito.

Ibinuko pa ni Dagmil na si Sy ay nagpapautang sa mga atleta at ang kanilang mga ATMs ay hawak nito.

Inamin niya na lumapit din siya kay Sy para umutang ng pera at noong 2012 ay nakabayad na kaya’t naisauli na sa kanya ang ATM niya.

Kinakapos dati si Dagmil dahil ang dating allo-wance niya ay nasa P15,000.00 lamang pero pumalo na ito sa P30,000.00 noong nakaraang taon matapos masama sa priority athletes ang PSC.

Idinagdag pa ni Dagmil, gold medalist din sa long jump noong 2005 at 2007 SEA Games, na isang pagpupulong na itinuturing bilang isang loyalty check ang balak gawin ng PATAFA sa Huwebes at ang hindi umano dadalo sa kaganapan ay ikokonsidera na lumipat na ng panig.

Ang paglabas ni Dagmil ay nangyari matapos magsagawa ng affidavit ang apat na kasapi ng PATAFA sa pangunguna nina coach Arnild Villarube at Myanmar SEAG Jesson Ramil Cid para patunayan na may pautang si Sy at nasa kanya ang kanilang mga ATMs.

Nagpasalamat si Gomez sa paglabas ni Dagmil at naniniwalang mas matibay ang pahayag na hawak ni Sy ang ATM ng mga atleta para tuluyang matanggal sa mga sinusuportahan na coaches ng PSC dahil ipinagbabawal ito ng ahensya.

Si Hamero bagama’t hindi idinidiin, ay nagkasala umano sa pananahimik gayong bilang assistant coach ay dapat na hindi niya pinayagan ang mga bagay na ito.

Ang PSC board ay magpupulong ngayon para ta-lakayin ang rekomendasyon na ihahain ng 3-man pa-nel na sina POC chairman Tom Carrasco Jr., PSC Legal head Atty. Yen Chan at badminton coach Allan de Leon matapos ang imbestigasyon noong Lunes. (AT)

ARNILD VILLARUBE

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

DAGMIL

GOMEZ

MYANMAR

NIYA

NOONG

SY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with