^

PM Sports

Dahil sa Gilas at kay Kobe Paras, Pinas napiling host ng FIBA-Asia-Pacific leg World Tour

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Hindi na mapipigil ang pagtayo ng Pilipinas bilang punong-abala sa FIBA-Asia-Pacific leg World Tour na gagawin mula Hulyo 19 hanggang 20 sa di pa pinangangalanang lugar.

Humarap sa PSA Forum si Ignacio Soriano, ang FIBA 3-on-3 events manager para ihayag na hindi naging mahirap ang desisyon na sa Pilipinas gawin ang kickoff leg ng anim na leg ng tournament na magdedetermina sa 12 koponan na lalaro sa World Finals sa Tokyo, Japan mula Oktubre 11 at 12.

Tinuran ni Soriano, sinamahan sa pagpupulong nina Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) officials Sonny Barrios, Moying Martelino, Bernie Atienza at Atty. Aga Francisco, na ang dahilan sa pagpili sa Pinas bilang host ay dahil sa matagumpay na pagdaraos ng 2013 FIBA-Asia Men’s Championship kung saan dagsa ang nanood sa mga laro ng Gilas Pilipinas.

Isa pa sa dahilan kung bakit ang Pilipinas ang na­pili ay bunga na rin ng nakuhang hits ng video ni Ko­be Paras sa internet sa kanyang pagkapanalo sa slamdunk side event sa 2013 FIBA 3x3 U-18 World Championship sa Jakarta, Indonesia.

“In the last FIBA 3x3 U-18 World Championship in Jakarta, the average views was between 100 to 200 thousand views and only the video of Kobe Paras had one million views out of which 90 percent were from Philippines. We were excited and we know Philippines passion for basketball,” pahayag ni Soriano na tubong Spain pero naninirahan na sa Switzerland kung saan nakabase ang international body na  FIBA.

Matapos ang Pilipinas, lilipat ang kompetisyon sa Beijing, Chicago, Lausanne, Praque  at Rio de Janiero at ang mangungunang tig-dalawang bansa ang tutulak sa Japan.

Pinalalakas ng FIBA ang 3x3 dahil nais nilang ipa­­sok ito sa 2020 Olympic Games sa Japan.

Bilang host, ang Pilipinas ay pinahihintulutan na mag­pasok ng tatlong koponan para labanan ang siyam na dayuhang teams na lalahok.

“One team will come from the champion in the 3x3 U18 TNT National Championship as their incentive. We are also looking at re-assembling the U18 team that played in the World Championship made up of Kobe, Thirdy Ravena, Prince Rivero at Alvin Tolentino if they are available. For the third team is still up in air and we can assemble a team from the PBA, D-League teams or collegiate players,” paha-yag ni Barrios. (ATan)

AGA FRANCISCO

ALVIN TOLENTINO

ASIA MEN

BERNIE ATIENZA

FIBA

GILAS PILIPINAS

IGNACIO SORIANO

PILIPINAS

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with