MANILA, Philippines - Pipilitin ng nagdeÂdepensang Alaska na maÂÂkuha ang kanilang ikaÂlawang sunod na panalo, habang sisimulan ng All-Filipino Cup champions na San Mig Coffee ang kaÂnilang kampanya sa 2014 PBA CommissioÂner’s Cup.
Lalabanan ng Aces ang Meralco Bolts nga-yong alas-5:45 ng hapon kaÂsunod ang pakiki-pagÂharap ng Mixers sa Globalport Batang Pier sa alas-8 ng gabi sa Smart AraÂneta Coliseum.
Matapos matalo sa Talk ‘N Text, 72-85 sa pagÂbubukas ng torneo noÂong Marso 5 ay buma-ngon ang Alaska para giÂbain ang Globalport, 93-77 noong Marso 8.
Sa naturang panalo ay kumolekta si 2013 Best Import Rob Dozier ng 15 sa kanyang 25 points sa fourth quarter, habang tumapos sina RJ Jazul at Gabby Espinas na may tig-18 markers para sa Aces.
“In the past two confeÂrence we dug ourselves a hole, we’re down 0-2,†sabi ni head coach Luigi Trillo sa Alaska. “We just need to put our guys in a good situation, meaning their strengths.â€
Hangad naman ng MeÂralco ni Ryan Gregorio na makabawi sa kanilang 76-94 pagyukod sa San MiÂguel Beermen noong MarÂso 7.
Itatapat ng Bolts kay DoÂzier si reinforcement 6-foot-10 Brian Butch, ang pinakamataas na import sa second conference, na humakot ng 29 points at 21 boards sa kanilang kabiguan.
Sa ikalawang laro, kaÂagad na makakaharap ng San Mig Coffee, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, ang miÂnamalas na Globalport sa kanilang unang laro sa torneo.
Itatampok ng Mixers si import James Mays, naÂngakong bibigyan ng tsansa ang koponan para sa kanilang back-to-back championship, laban kay balik-import Evan Brock ng Batang Pier.
“I don’t want to gua-rantee a championship but I know we’ll be in the playÂoffs,†sabi ng 6’8 na si Mays, muntik nang palitan si Renaldo Balkman ng Petron Blaze noong naÂkaraang taon.
Si Mays ang piÂnaÂkaÂunang import na dumaÂting sa bansa kaya nakasama siya sa pagdiriwang ng San Mig Coffee sa 4-2 pananaig sa Rain or Shine sa championship series ng nakaraang 2014 PBA PhiÂlippine Cup. (Russell Cadayona)