^

PM Sports

San Mig Coffee sasalang na, back-to-back asam ng Aces

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Pipilitin ng nagde­depensang Alaska na ma­­kuha ang kanilang ika­lawang sunod na panalo, habang sisimulan ng All-Filipino Cup champions na San Mig Coffee ang ka­nilang kampanya sa 2014 PBA Commissio­ner’s Cup.

Lalabanan ng Aces ang Meralco Bolts nga-yong alas-5:45 ng hapon ka­sunod ang pakiki-pag­harap ng Mixers sa Globalport Batang Pier sa alas-8 ng gabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Matapos matalo sa Talk ‘N Text, 72-85 sa pag­bubukas ng torneo no­ong Marso 5 ay buma-ngon ang Alaska para gi­bain ang Globalport, 93-77 noong Marso 8.

Sa naturang panalo ay kumolekta si 2013 Best Import Rob Dozier ng 15 sa kanyang 25 points sa fourth quarter, habang tumapos sina RJ Jazul at Gabby Espinas na may tig-18 markers para sa Aces.

“In the past two confe­rence we dug ourselves a hole, we’re down 0-2,” sabi ni head coach Luigi Trillo sa Alaska. “We just need to put our guys in a good situation, meaning their strengths.”

Hangad naman ng Me­ralco ni Ryan Gregorio na makabawi sa kanilang 76-94 pagyukod sa San Mi­guel Beermen noong Mar­so 7.

Itatapat ng Bolts kay Do­zier si reinforcement 6-foot-10 Brian Butch, ang pinakamataas na import sa second conference, na humakot ng 29 points at 21 boards sa kanilang kabiguan.

Sa ikalawang laro, ka­agad na makakaharap ng San Mig Coffee, nagkampeon sa nakaraang PBA Philippine Cup, ang mi­namalas na Globalport sa kanilang unang laro sa torneo.

Itatampok ng Mixers si import James Mays, na­ngakong bibigyan ng tsansa ang koponan para sa kanilang back-to-back championship, laban kay balik-import Evan Brock ng Batang Pier.

“I don’t want to gua-rantee a championship but I know we’ll be in the play­offs,” sabi ng 6’8 na si Mays, muntik nang palitan si Renaldo Balkman ng Petron Blaze noong na­karaang taon.

Si Mays ang pi­na­ka­unang import na duma­ting sa bansa kaya nakasama siya sa pagdiriwang ng San Mig Coffee sa 4-2 pananaig sa Rain or Shine sa championship series ng nakaraang 2014 PBA Phi­lippine Cup. (Russell Cadayona)

ALL-FILIPINO CUP

BATANG PIER

BEST IMPORT ROB DOZIER

BRIAN BUTCH

EVAN BROCK

GABBY ESPINAS

GLOBALPORT

SAN MIG COFFEE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with