Sumuporta lang sa kaibigan ang naging pakay ni Lebron sa Cleveland
CHICAGO -- Gusto lang ni LeBron James na suportahan ang kanyang kaibigan kaya nagbalik ang Miami Heat star sa kanyang dating tahanan.
Hindi na sinayang ni James ang pagkakataon para ipakita ang kanyang suporta sa kaibigang si Zydrunas Ilgauskas.
Nagbalik siya sa Cleveland para sa pagreretiro sa jersey number ni Ilgauskas.
“It was special, a special time for Z, and I’m happy I was able to be a part of it,’’ sabi ng four-time MVP bago ang laro ng Heat at Bulls sa Chicago.
Nagbayad si James ng malaki para makakuha ng charterred flight upang makadalo sa naturang sere-monya nang walang ingay.
Naupo siya malapit sa bench ng Cavaliers at kumuha ng mga litrato sa kanyang cellphone.
Apat na taon na ang nakakaraan nang iwan niya ang Cleveland patungo sa Miami.
Naging maganda na ang relasyon ni James sa nasabing organisasyon sa nakaraang mga taon.
At sa seremonya para kay Ilgauskas ay kailangang nandoon si James.
“He was one constant teammate I had over the years, one constant friend that I had as far as this profession,’’ ani James. “You can’t really get those times back. I felt like for me to be there for eight of his years, being a good friend, there was no way I was going to miss it if I had an opportunity to (attend).’’
- Latest