^

PM Sports

Mavericks nakabawi matapos isuko ang 30-pt. lead sa Blazers

Pang-masa

DALLAS -- Sinabi ni Dirk Nowitzki na hindi niya iniisip kung kailan hu­ling nakapagbasura ang Dallas Mavericks ng isang 30-point lead at na­talo.

Ang pinakamasamang kabiguan sa kasaysa­yan ng kanilang prangkisa ay ilang taon na ang nakararaan at masyado siyang abala para tiyakin na hindi na ito mangyayari.

Umiskor si Nowitzki ng 22 points, habang nagsalpak si Devin Harris ng go-ahead shot sa huling minuto para tulungan ang Mavericks sa pagbangon sa fourth quarter matapos masayang ang malaking kalamangan sa first half patungo sa 103-98 panalo laban sa Portland Trail Bla­zers.

“You’re just out there battling,” sabi ni Nowitz­ki . “They’re a very, very good team. They came back a lot quicker than we wanted it to be, but we kept fighting and got the win.”

Tumapos naman si La­Marcus Aldridge na may 30 points para sa Portland, kasama dito ang 18 sa third quarter nang lu­mamang ang Blazers sa 69-67 makaraang ibaon ng Mavericks sa 44-14 sa second quarter.

 

DALLAS MAVERICKS

DEVIN HARRIS

DIRK NOWITZKI

MARCUS ALDRIDGE

NOWITZ

NOWITZKI

PORTLAND TRAIL BLA

SHY

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with