2014 Manila Bay seasports festival
MANILA, Philippines - Magsisimula na ngayong alas-8:00 ng umaga ang 2014 Manila Bay Summer Seasports Festival na gaganapin sa Baywalk ng Roxas Boulevard.
Tampok sa nasabing event ang dragon boat racing na lalahukan ng mga rowers na may karanasan na sa Olympic, Asian Games medalists, mga kasapi ng Philippine team at iba’t-ibang koponan.
Tampok ang stock at formula races sa bancathon.
Ang dalawang araw ng sportsfest ay magtatapos sa isang maningning na awards night na may libreng live concert ng Viva Hot Babe na si Jennifer Lee, Go Girls at banda ni Jerome Abalos.
Ang naturang sports festival ay inorganisa ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard at suportado ng Cobra Energy Drink, Caltex, Eveready, Ginebra San Miguel, Pioneer Epoxy, Filinvest, Silka, M. Lhuillier, Columbia International Foods, Manila Ocean Park, Cord Marine Epoxy at Briggs and Stratton.
- Latest