^

PM Sports

Makakatulong ni Taulava si Lamizana para sa Air21

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinabi ni Air21 coach Franz Pumaren na magtutuwang sina 6’10 import Herve Lamizana ng Ivory Coast at 6’9 center Asi Taulava para sa isang frontline combination na inaasahang gagawa ng ingay sa PBA Commissioner’s Cup.

Bubuksan ng Express ang second conference sa pagsagupa sa Globalport nga-yong alas-5:45 ng hapon sa Mall of Asia Arena.

Tumapos ang Bert Lina franchise sa nakaraang na Philippine Cup sa ilalim sa kanilang 3-11 record.

Hindi lamang ang pag-akyat sa 10th place ang gusto ng Air21 na makamit ngayong komperensya kundi ang makapasok sa playoffs.

Pinayagan ang Air21 at ang Meralco na kumuha ng import na may taas na 6’11 dahil nabigo silang makaabante sa playoffs sa nakaraang dalawang conference.

Ang height limit para sa iba pang imports ay 6’9.

Ang ‘Twin Towers’ ng Express ay may sapat na eksperyensa dahil 33-anyos na si Lamizana at 41-anyos naman si Taulava.

Si Lamizana ang susunod sa mga yapak ng mga African imports na naglaro sa PBA na kinabibilangan nina Nigerians Julius Nwosu, Gabe Muoneke, Chamberlain (Champ) Oguchi, Jeff Varem at Chukwunike (Reggie) Okosa.

Sa paghahanda sa Commissioner’s Cup, hinugot ni Pumaren sina Jonas Villanueva mula sa Barako Bull at Eloy Polig-rates buhat sa Talk ‘N Text. Nasikwat din niya sina forward Sean Anthony galing sa Tropang Texters, habang wala na sa koponan sina K. G. Canaleta na nasa Talk ‘N’ Text at Bonbon Custodio sa Globalport.

Ayon kay Pumaren, iba’t ibang posisyon ang lalaruin ni Lamizana na inilarawan niya bilang “a stretch big guy.”

Lumipat si Lamizana, isang dating star soccer player sa kanyang kabataan, sa US nang siya ay 14-anyos pa lamang.

ASI TAULAVA

BARAKO BULL

BERT LINA

BONBON CUSTODIO

ELOY POLIG

FRANZ PUMAREN

GABE MUONEKE

GLOBALPORT

LAMIZANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with