^

PM Sports

Humataw si Noah

Pang-masa

CHICAGO – Naging open ang Chicago Bulls sa lahat ng bahagi ng court kaya nangolekta si Joakim Noah ng assists. Sunud-sunod ang jumpers nina Jimmy Butler at Kirk Hinrich at dunk ni Taj Gibson.

Nagbigay ng show ang All-Star center.

Nagtala si Noah ng 14 assists sa kanyang ikalimang career triple-double upang pangunahan ang Bulls sa 109-90 panalo kontra sa New York Knicks nitong Linggo.

“It’s really all my teammates,” aniya. “I think we’re getting better every game.”

Nagposte rin si Noah ng 13 points at 12 rebounds sa kanyang second triple-double sa season ngunit highlight ang kanyang pagbibigay ng assists.

Ito ang pinakamaraming assists ng isang NBA center sapul noong 1985-86 season at isang franchise record para sa kanyang position.

“What can you say? He is playing MVP basketball,” sabi ni Gibson. “He is doing everything in all facets of the game.”

Ang Chicago ay may pitong players na umiskor ng double figures at nagtala ng franchise record sa pagkakaroon lamang ng tatlong turnovers sa kanyang ikasiyam na panalo sa huling 10 games. Ang Bulls ay humakot din ng 100 points sa ikaapat na sunod na laro sa unang pagkakataon sapul noong Oct. 30-Nov. 5, 2010.

Nagtala si D.J. Augustin ng 21 sa kanyang 23 points sa fourth quarter. Umiskor si Butler ng 19 points at si Carlos Boozer ay may 14.

“We’ve hit a stretch where we have guys that are healthy playing that I think they know what to expect from each other,” sabi ni coach Tom Thibodeau.

 

ANG BULLS

ANG CHICAGO

CARLOS BOOZER

CHICAGO BULLS

JIMMY BUTLER

JOAKIM NOAH

KIRK HINRICH

NAGTALA

NEW YORK KNICKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with