Slum Shot inungusan sa meta ang dalawang katunggali
MANILA, Philippines - Kumapit ang suwerte sa kabayong Slum Shot nang naunang ilusot ang ulo sa meta para daigin ang daÂlawang katunggali sa huling karera sa buwan ng PebÂrero noong Biyernes sa Metro Turf sa Malvar, BaÂtangas.
Si Jeff Bacaycay ang dumiskarte sa Slum Shot na naÂunang nalagay sa malayong pang-apat na puwesto sa hanay ng 11 kabayo na naglaban.
Ang Jade And Diamond, Bay Area Babe at DanÂcing Dolphin ang mga maagang nagsukatan sa 1,000-metro Class Division 1C karera pero nagÂpaÂpakonÂdisyon lamang pala sa likod ang Slum Shot.
Sa huling 250-metro ng karera umunit na ang kaÂbayo ni Bacaycay na kanyang nailusot ang kabayo sa pagitan ng tatlong katunggali na nasa unahan.
Pinalad na may lakas pa ito para higitan ang takbo ng Jade And Diamond ni NK Calingasan at Bay Area Babe ni JPA Guce para makuha ang hindi inaasahang paÂnalo.
Nasiyahan ang mga deÂhadista sa panalo ng Slum Shot dahil nakapagpasok ito ng dibidendong P91.50 sa win, habang ang 9-2 forecast ay nagÂhatid pa ng P542.00.
Pero ang long shot na kaÂbayo sa gabi ay ang MaÂma Pls Don’t Cry na haÂwak ni Kevin Abobo at tuÂmakbo sa Class Division 2 race.
Kinargahan ni Abobo ang sakay na kabayo sa rekta para maabutan ang Saint Tropez.
Humarurot din ang Tiger Zap ni JB Guce para kunin pa ang ikatlong puwesto sa Saint Tropez na naglakad na patungo sa meta.
Kumabig ang mga naÂnalig sa Mama Pls Don’t Cry ng P101.00 sa win at P224.50 ang ibinigay sa 5-4 forecast.
- Latest