Hindi magkakaroon ng 4-point shot
NEW YORK -- Hindi na makakatira ang mga NBA players para sa isang 4-point shot.
Pinabulaanan ng NBA na mayroong pag-uusap kaugnay sa pagpapalawak ng court.
Iniulat ng ESPN.com na pinag-uusapan na ng liga ang naturang bagay mula sa panayam kina president of operations Rod Thorn at vice president Kiki Vandeweghe noong All-Star weekend.
Sa isang statement sa Twitter, sinabi ni league spokesman Tim Frank na, ‘No one at the NBA, nor the competition committee, has had any serious conversations about increasing the size of the floor or adding a 4-point line.’’
- Latest