^

PM Sports

GTK hangad ang hustisya para sa 2 PATAFA coaches

Pang-masa

MANILA, Philippines - Balak ng Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) na dumulog sa korte para bigyan ng hustisya ang pagkakatanggal ng sahod nina national coaches Joseph Sy at Rosalinda Hamero ng Philippine Sports Commission (PSC).

Humarap kahapon sa pulong pambalitaan sina PATAFA president Go Teng Kok, VP Atty. Nicanor Sering, secretary general Benjamin Silva Netto at mga coaches na sina Sy at Hamero sa Orchids Garden upang ihayag ang patuloy na kawalan ng hustisya matapos alisan ng sahod kahit hindi pinagpapaliwanag sa mga ibinatong akusasyon ni commissioner Jolly Gomez.

“There is a possibility that we can file civil suit and we may seek damages because their reputations have been besmirch. As coach they were dismissed withour due process, without given the chance to explain their side,” wika ni Sering.

Ang hakbang ay gagawin matapos mabago ang naunang napagkasunduan  nina Go at Gomez nang nagpulong upang pag-usapan ang naging problema nina Sy at Hamero.

Ang naunang pagsang-ayon ni Gomez na magsagawa ng imbestigasyon sa dalawang coaches na siyang hiningi ni Go ay hindi na magaganap at sa halip ay inimbitahan na lamang ng PSC ang PATAFA para sa isang pagpupulong sa Lunes.

Tinanggalan ng PSC ng tig-P20,000.00 sahod kada buwan mula Enero sina Sy at Hamero sa rekomendasyon ni Gomez dahil hindi umano ginagawa ng mga ito ang kanilang trabaho, bagay na pinabulaanan ng mga coaches.

Ayon kay Sy, hindi siya namamalagi sa Baguio kahit nandoon ang mga atleta para magsanay dahil may mga Baguio coaches na nakabase roon at inutusan siya ng PSC na  maghanap ng bansang puwedeng pagsanayan ng Pambansang manlalaro.

Sa panig ni Hamero na inakusahan na nameke ng record para masama sa delegasyon ang alagang si Josie Malacad, sinabi niya na matagal nang natapos ang usaping ito dahil 2011 pa ito nangyari.

At hindi siya ang nagkamali kungdi ang nagsulat sa dokumento dahil si Malacad ay dapat na entrada sa 400m hurdles ngunit  ang oras sa 400m dash ang nailagay para sa kanyang justification. (AT).

BENJAMIN SILVA NETTO

GO TENG KOK

GOMEZ

HAMERO

JOLLY GOMEZ

JOSEPH SY

JOSIE MALACAD

NICANOR SERING

ORCHIDS GARDEN

SY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with