^

PM Sports

Gilas game tickets ibinibenta na sa Spain

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Ang venue passes para sa bracket kung saan lalaro ang US sa FIBA World Cup preliminary round ay sold out na habang ang tickets para sa grupo na kinabibila-ngan ng Philippines ay mabibili pa ng 20 percent discount.

Ang venue pass ay magbibigay ng access sa lahat ng mga laro sa lungsod. 

Sa preliminaries, ang 24 teams ay hinati sa apat na brackets na maglalaro sa 7,100-seat Palacio Municipal de Deportes sa Seville, 16,700-seat Bizkaia Arena sa Bilbao, 8,500-seat Palacio Municipal de Deportes sa Granada at 9,400-seat Gran Canaria Arena sa Las Palmas de Gran Canaria. 

Ang host Spain ay la-laro sa Group A sa Granada kasama ang France, Serbia, Brazil, Egypt at Iran.  Ang Philippines ay lalaro sa Group B sa Seville kasama ang Argentina, Greece, Croatia, Puerto Rico at Senegal.  Ang US ay lalaro sa Group C sa Bilbao kasama ang Turkey, Ukraine, New Zealand, Dominican Republic at Finland.  Ang Lithuania, Korea, Slovenia, Mexico, Australia at Angola ay kasama sa Group D sa Las Palmas de Gran Canaria.

Sinabi ni FIBA World Cup communications coordinator Jalinka Michaux na ang mga venue passes sa limang price categories ay sold out na para sa Bilbao. Ang presyo ay nagkakahalaga ng P900 para sa category E hanggang P5,400 para sa category A.  Ang venue passes sa Granada kung saan lalaro ang Spain ay sold out na sa categories B at C.  Mayroon pang passes  para sa mga laro sa Seville at Las Palmas de Gran Canaria.

Bubuksan ng Philippines ang kampanya sa World Cup laban sa Croatia sa Aug. 30 kasunod ang Greece sa Aug. 31, Argentina sa Sept. 1, Puerto Rico sa Sept. 3 at Senegal sa Sept. 4.  Ang dalawang panalo sa preliminaries ay magpapasok sa Gilas Pilipinas sa round-of-16.

ANG LITHUANIA

ANG PHILIPPINES

BILBAO

BIZKAIA ARENA

GRAN CANARIA

LAS PALMAS

PALACIO MUNICIPAL

PUERTO RICO

WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with