NEW YORK - Sinabi ni Dirk Nowitzki na ito na marahil ang kanyang pinakamasamang winning shot na naitira.
Isinalpak ni Nowitz-ki ang isang 19-foot jumper sa pagtunog ng final buzzer para itakas ang Dallas Mavericks laban sa New York Knicks, 110-108.
Nabalewala ang itinayong eight-point lead ng Mavericks sa huling 90 segundo, ngunit nakamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo mula sa jumper ni Nowitzki.
“I didn’t even feel like celebrating it was so ugly,†sabi ni Nowitzki.
Ipinagdiwang ito ng kanyang mga kakampi pati na si Mavericks owner Mark Cuban kung saan umakyat sa pang-pitong posisyon ang Dallas sa Western Conference.
Umiskor si Carmelo Anthony ng 44 points at humakot ng 9 rebounds para sa Knicks.
Hinigpitan niya ang depensa sa huling poses-yon ng Mavericks, ngunit natulala nang maipasok ni Nowitzki ang kanyang jumper sa pagtunog ng final buzzer.
Nagsalpak si Vince Carter ng pitong 3-pointers at tumipa ng season-high na 23 points, habang nagdagdag si Monta Ellis ng 22 para sa Dallas (35-23), naipanalo ang siyam sa kanilang huling 11 laro.
Tumapos si Jose Calderon na may 20 points para sa Mavericks, winalis ang isang three-game road trip at tinalo ang Knicks para sa ika-20 pagkakataon sa kanilang huling 25 pagkikita.
Nagtala si Nowitz-ki ng 15 points matapos isablay ang lahat ng kanyang 5-triple attempts.